Kumusta, mga Ka-Sari-Sari at Small Business Owners! Aminin natin: ang notebook ang "best friend" nating lahat sa negosyo. Diyan nakasulat ang mga utang ni Aling Nena, ang lista ng paninda, at ang kita natin sa maghapon.
Pero habang lumalaki ang iyong tindahan, resort, o online shop sa Facebook, napapansin mo ba na lalong nagiging unorganized ang lahat? Bakit nga ba panahon na para magkaroon ka ng sariling simple website?
1. Goodbye "PM Sent," Hello Sales
Kung sa Facebook ka lang nagbebenta, pagod ka na ba sa pagsagot ng "Magkano po?" o "Available pa ba?" Paulit-ulit, 'di ba? Sa isang simple website, nandoon na lahat ng presyo at picture. Ang customer, pipili na lang at mag-o-order. Parang may tindera ka na hindi napapagod sumagot!
2. Madaling Hanapin sa Google
Sari-sari store ka man o small bar, gusto nating puntahan tayo ng tao. Kung may website ka, madali kang mahahanap sa Google Maps. Kapag may nag-search ng "Best resort near me," lalabas agad ang pangalan mo!
3. Organized Business
Ang notebook, madaling mawala o mabasa. Ang website? Safe sa internet. Pwede nating ilagay ang iyong inventory o booking system para hindi ka na nalilito kung sino ang may utang o anong room ang occupied.